sira na ang background picture netong blog ko!!!
sign na talaga para palitan..
benj, you are my saviour!
August 24, 2009
aw. sayang naman. di man lang nakaapak ng semi finals ang miss phils. ganda-ganda naman nya...
well.. better luck next time nalang.
August 23, 2009
bukas kailangan kong mapanuod ang survivor. hahaha! la lang..
*****
mga friendly friends, pag nagkita-kita tayo magcontest tayo kung sino ang may pinaka-kwelang sigaw ng "SURVIVOR AKO!" ha? katuwaan lang. tinatag ko dito ung pupunta ng get together sa aug. 30. dapat very convincing ang battle cry natin ah? haha! funny...
August 22, 2009
kagabe kahit panu nakanuod ako ng survivor. ay nagulat ang ME! may isang person dun na una talaga akala ko babae, e dati palang lalake. OMG! as in operada ang bakla. hindi ko talaga napansin na may kakaibang chorva sa kanya. magaling. magaling. ibig sabihin pag ganun, succesfull ang operation diba? even the way she speaks.. babae talaga. pero natanggal na sya eh. sya ung vinote-out ng mga katribo nya kasi ang reason nila ay weak daw. ewan ko lang ha? lalake din un panung weak? iniwii, un lang.
para naman akong si boy abundat. ewan! hahahaha!
August 21, 2009
sayang talaga, napanuod ko mga unang episode ng mga 'to pero di ko na nasubaybayan.. nagulat nga ako kanina nung makita ko na pag nilunok pala ni "narda" ung bato, umiilaw un sa lalamunan nya.. hanep ah? funny.. iniwi, nakita ko din sa commercial na nag-aaway-away na ung mga tao sa survivor. ano na ba nangyare dun?
sa totoo lang, ang sarap panuoorin ung mga tao na nasa very tight situation at makita kung pano nila harapin mga problema nila eh. may matututunan din naman tayo un kahit pano. ay wait, di ung sa darna ah? sa survivor ang ibig kong sabihin. (wow labo ko..) haha! sana mamaya makanuod ako.
pasencya na kayo, wala akong maikwentong matino.. hahaha!
nga pala, sabi ni chu sakin dati bakit di daw ako mag-audition sa survivor o sa bahay ni kuya?! eto naman ang sagot ko: utang na loob chu, tantanan mo ako.. anung kalokohan yan??
*****
at eto pa, congratulations kay chuchita! flat 1 prelims grade nya sa math! sa iba, either 1.5 - 1.75 ang galing di ba?! sabe ko nga stay focus sa mga target nya. tuwang-tuwang talaga kami at napakaganda ng mga grades nya!
hay.. thank po Lord!
*****
teka, pahabol.. namiss kong mag-tabulas! un lang. haha!
August 15, 2009
oo un lang.
kasi naman kahit anung gawin mo, minsan talaga pag di ukol di bubukol eh...
aw.
August 10, 2009
kahapon pumunta kami ni jamie ng CKSC para mag attend ng alumni basketball tournament. naloka ang me, imagine pati batch ng mga lolo na, may team pa rin?! grabe lang ah... nakakatuwa. lalo na ung isang team na kasama ang muse nila na lola na?! ang cute naman kasi makikita mo kay lola na pretty pa rin cya after all this years!
ay nga pala, si chu ang muse ng batch nila HS 2009
after nung parade at program, eto napagod ang baby...
ang aga netong alumni chorva na to, 7:30 am pero ang sweet naman ni ate jamie, full support kay chu. kahit puyat nung gabi, sumama pa rin cya. thanks ate j! nakita din nya ung ilang ka-batch nya kaya happy din sya.
tas nagpunta kami ng moa para dun kumain at pare-pareho kaming gutom na!
o ayan ang mga ka-chorvahan ni chu pag walang magawa...
ang arte! hahahaha!
ayun, malling kaming tatlong bruha tas katuwa naman si ate jami binilhan ng mga kakikayan ang chu. wala lang, natuwa lang siguro.. siguro wala pang 6pm nasa bahay na kami ulit. masaya naman, i love spending time with the girls... nakakapagod lalo na pag lakad ng lakad likehell at parang wala ng katapusang hiking sa loob ng mall. pero sa isang banda nakakarelax din lang. nakakatawa rin ang mga topics namin. alam nyo kung ano? ANG MGA WALANG KWENTANG EX! hahaahahahhaha!!!
August 7, 2009
sana lang wag na masyadong umulan....
kasi naman eh...
tamabak na kasi ang labada ko. 
pero happy ako pag umuulan kasi di masyadong mainit.
okay...
un lang.
walang kwenta....
bye!
August 6, 2009
kahapon talaga ang birthday nya (aug. 5,2009) eh kaso lang ang lupet naman ng kasabay nya. burial ni Tita Cory. kaya ngayon ko nalang gawin 'tong entry ko para kay Cha.
sa anak kong mas maganda sa personal, HAPPY BIRTHDAY CHA!
i'm so blessed at nakilala kita dito sa tabulas. ikaw ang isa sa pinaka-kaclose ko dito (shempre nandyan din sina camille, aubrey, charee, jacob, allan, benj, rhodge, emz, cleotie, etc.. so wag kayong magtampo ah?) ang mga entries mo na lagi kong binabasa, they never fail to make me smile or talaga namang napapa-LOL ako lalo na sa mga replies mo sa mga comments namin. iniisip ko nga nung di pa tayo nagkikita in person ikaw ung "loud" type of person kasi naman pag nagko-comment ka, grabe ka naman makahagalpak ng tawa as in 'WAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!' sa mga comments. pero nung magkita-kita tayo sa trinoma nuong may 31, ay sus! mukha kang dalagang pilipina na very prim and proper. mas maharot pa nga kaming mga kasama mo eh.. iniwii, sana magkita-kita tayo soon at magkantahan nalang ulit. mukhang malabo na ung pangarap nating mag-EK at panay ang ulan likehell! sana mas marami tayong magkita-kita at siguradong lalaspagin nanaman natin ang vocal chords ni hacob, hahaha!
wish ko rin maging happy ka sa carreer mo at shempre sa iyong lurve life! wag kang masyadong mag-diet at baka naman magkasakit ka. hinay lang... all the best, cha! congratulations din nga pala sa mga achivements mo sa trabaho.. baka di ako nakapagcomment dati.
ingat and God Bless you always!



