dadating 'tong h.s. classmate ko on nov. 28. magkikita-kita kame ng mga classmates ko malamang between dec. 8 to 11 pag libre na sya. gusto kong magpost ng picture nya pero next time nalang.
nakakatawa kasi kamukha ni daboy 'tong si doc manny at feel na feel nya un! nung mag-usap nga kami, sabi nya bibisitahin nya ang puntod ni daboy. at seryoso sya dun ah?!
mabait at nakakatawa 'tong si manny. isa sa mga matatalino sa batch namin yan. doctor nga si kolokoy eh... pero di sya ung serious type, madaming kalokohan sa katawan 'to.. 
*****
na-tag ako si spoofed at eto ang TEN THINGS THAT MAKES ME SMILE random lang 'to:
1
pag nagba-bonding kami ni pitart at nagku-kwentuhan ng mga kalokohan.
2
pag marami akong pera (un, di lang smile hagalpak pa! haha!)
3
pag magkakasama kami nina jep, jamie, dong and chu sa mall or kahit saan at walang may toyo sa kanila.
4
pag may bagong "something" like shoes, clothes, etc na nabili kong naka-sale.
5
pag naglalaro ako ng badminton at maganda ang galaw ko.
6
pag mataas mga grades sa school ng mga anak ko and or pag merong achievements na matitindi sa school like nanalo sa contests, etc..
7
pag nakikita ko mga baby pictures nila pati narin mga family pictures.
8
pag birthdays, christmas and new year!
9
pag may bagong client na magandang magbayad.
10
pag may "answered prayer"
tagged yellow bells, solitude 12, jaspingmaharot & princes_bride.




solitude12

yellowbells

subtlebliss

jong

tc!
subtlebliss
