November 28, 2008
anu kaya?! | 07:03 AM by jong

eto kinakausap ko nanaman sarile ko, mamaya ako din ang sasagot ng mga tanung ko. haha! baliw...

ngayon kasi ang dating ni doc manny. hintay-hintayin ko tawag ng kolokoy na 'to para maitext na mga guranggus na classmates ko (kasama ako dun.. haha!) para makagawa na rin ng plano kung san kami gigimik.

parang magandang mag-red box sa gabe, sarap magharutan sa videoke. pero maglunch sa MOA, sangdamakmak ang mga resto dun tas malake ang pwedeng ikutan o pasyalan, diba? tas may church na malapit dun baka gusto nyang maglinay-linay... kung greenhills pwede din, lalo na kung gusto nyang mag-shopping. pero kung shopping rin lang, e di 168 na! kaya lang baka masiraan sya ng bait dun! sa dami ng tao... pero sobrang mura ng mga paninda. siguro aayain ko syang mag-divisoria ng regular day tas umaga pa lang nandun na kami. aayain ko rin syang magbadminton. para matagtag mga taba nya.. masarap na papawis 'tong larong 'to, i so love it! magkaroon kami ng tournament?! wow! sige, i-suggest ko un sa mga classmates! if ever na gusto nilang mag-out-of-town, pwedeng mag tagaytay. malapit lang un, o kaya sa kabila naman, sa subic. 

pero ang pinaka... dapat madalaw namin ang puntod ni DABOY. walang lokohan, super magkamukha sila at naging magkaibigan ang dalawang un nung nabubuhay pa si daboy. kasi hobby ni doc manny ang photography at may mga pagkakataon na nagkasama sila sa states.. may mga pictures nga sila eh.

hai... daming pwedeng gawin. sana maging masaya ang pag-balikbayan ni doc manny para sulit ang uwe nya. 

parang gusto kong magpost ng picture nya, ung taken almost 30 years ago... haha! sige sa susunod nalang... smiley-wink.gif



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on November 28th, 2008 at 01:26 PM
kaloka yung almost 30 years ago. ang bata ko pa pala. haha
Comment posted on November 29th, 2008 at 09:36 AM
yeah... 46 na kaming dalawa! jusko... we are sooo old... hahaha!
Comment posted on November 28th, 2008 at 10:12 PM
sabihin na nating wala ka pa sa plano ng magulang mo e buhay na si doc manny, ahahahha!
Comment posted on November 29th, 2008 at 09:50 AM
nasa heaven pa kayo nung nasa high school kami! hahaha!
Comment posted on November 29th, 2008 at 10:07 AM
huwaw! ikaw ata ang pinaka-ancient na blogger, joooke. na-beat mo ang age ng anjowako, ahahahaha! akala ko siya na ang pinakamature dito eh. =D
Comment posted on November 30th, 2008 at 10:08 PM
aktwali, nung 2004 parang ako na ang pinaka-gurang dito sa tab eh... lalo na siguro ngayon eh 2008 na.

OMG!

pero oks lang, di naman halata. haha!