kahapon talaga ang birthday nya (aug. 5,2009) eh kaso lang ang lupet naman ng kasabay nya. burial ni Tita Cory. kaya ngayon ko nalang gawin 'tong entry ko para kay Cha.
sa anak kong mas maganda sa personal, HAPPY BIRTHDAY CHA!
i'm so blessed at nakilala kita dito sa tabulas. ikaw ang isa sa pinaka-kaclose ko dito (shempre nandyan din sina camille, aubrey, charee, jacob, allan, benj, rhodge, emz, cleotie, etc.. so wag kayong magtampo ah?) ang mga entries mo na lagi kong binabasa, they never fail to make me smile or talaga namang napapa-LOL ako lalo na sa mga replies mo sa mga comments namin. iniisip ko nga nung di pa tayo nagkikita in person ikaw ung "loud" type of person kasi naman pag nagko-comment ka, grabe ka naman makahagalpak ng tawa as in 'WAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!' sa mga comments. pero nung magkita-kita tayo sa trinoma nuong may 31, ay sus! mukha kang dalagang pilipina na very prim and proper. mas maharot pa nga kaming mga kasama mo eh.. iniwii, sana magkita-kita tayo soon at magkantahan nalang ulit. mukhang malabo na ung pangarap nating mag-EK at panay ang ulan likehell! sana mas marami tayong magkita-kita at siguradong lalaspagin nanaman natin ang vocal chords ni hacob, hahaha!
wish ko rin maging happy ka sa carreer mo at shempre sa iyong lurve life! wag kang masyadong mag-diet at baka naman magkasakit ka. hinay lang... all the best, cha! congratulations din nga pala sa mga achivements mo sa trabaho.. baka di ako nakapagcomment dati.
ingat and God Bless you always!




princesscha

dito ko na lang dinadaan sa sulat yung lakas ng tawa ko kasi di ko talaga kaya sa personal, wahahahahahahaha!
ten chu sooooooooo much talaga mommy. feel na feel kong love mo ko, pramis!
isa ka sa nagpa-special ng birthday ko. ilang araw mo din ba naman akong binati ng happy birthday eh. month-long celebration ata eto, ahahahaha!
labsyu mommy!