August 21, 2009
darna, survivor, etc.. | 08:46 PM by jong

sayang talaga, napanuod ko mga unang episode ng mga 'to pero di ko na nasubaybayan.. nagulat nga ako kanina nung makita ko na pag nilunok pala ni "narda" ung bato, umiilaw un sa lalamunan nya.. hanep ah? funny.. iniwi, nakita ko din sa commercial na nag-aaway-away na ung mga  tao sa survivor. ano na ba nangyare dun? 

sa totoo lang, ang sarap panuoorin ung mga tao na nasa very tight situation at makita kung pano nila harapin mga problema nila eh. may matututunan din naman tayo un kahit pano. ay wait, di ung sa darna ah? sa survivor ang ibig kong sabihin. (wow labo ko..) haha! sana mamaya makanuod ako. 

pasencya na kayo, wala akong maikwentong matino.. hahaha!

nga pala, sabi ni chu sakin dati bakit di daw ako mag-audition sa survivor o sa bahay ni kuya?! eto naman ang sagot ko: utang na loob chu, tantanan mo ako.. anung kalokohan yan?? 

*****

at eto pa, congratulations kay chuchita! flat 1 prelims grade nya sa math! sa iba, either 1.5 - 1.75 ang galing di ba?!  sabe ko nga stay focus sa mga target nya. tuwang-tuwang talaga kami at napakaganda ng mga grades nya! 

hay.. thank po Lord!

*****

teka, pahabol.. namiss kong mag-tabulas! un lang. haha!



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on August 25th, 2009 at 01:58 AM
Sayang di ako nakasali sa The Biggest Loser. underweight ata ako. hahaha!

Hala ate, sira layout mo. ganun pa rin ba password mo? ayusin ko na lang. Sabihin mo kung ok lang. I will just need the background picture from you.
Comment posted on August 25th, 2009 at 06:45 PM
uy benj, sira na nga! sige kunan ko muna ng matinong picture tas i-email ko sayo. thank you! thank you! you're the best!
Comment posted on August 26th, 2009 at 01:32 AM
You have my email, right? sige lang ate.
Comment posted on August 23rd, 2009 at 08:09 PM
hahaha! sali tayong PBB at survivor! :P lekat na yan, may makapasok lang na isa saten, okay na! hahaha! :)
Comment posted on August 25th, 2009 at 06:46 PM
jusme kayo nalang... gurang na ang ME! haha!
Comment posted on August 22nd, 2009 at 06:06 PM
ang galing naman po ni chu. beauty and brains! im sure very proud ang mommy! hehe

ano mommy jong, sali taung 3 nila cha sa next season ng PBB? hahaha..
Comment posted on August 25th, 2009 at 06:48 PM
oo, super natuwa nga kami eh.. sobrang proud ako sa mga achievements nya!

kayo nalang ang sumali. ikaw, si cha at si cleotie.. malulupet kayo eh.. audience impact nalang ang ME!
Comment posted on August 21st, 2009 at 11:04 PM
naku mommy, pangarap namin ni camille ang sumali sa PBB! hahahahaha!

galing galing ni chu!!

mommy, di daw sureness si jacob sa 30. pano yun?
Comment posted on August 22nd, 2009 at 04:20 PM
talaga?? naku ang hirap ata mag-audition dun pero kung talagang gusto nyo e di try nyo din. malay natin baka makalusot kayo ni camille..

thank you, makakarating kay chu. :)

ganun ba? pag nagkataon, wala tayong lalaspaging vocal chords.. haha! eh sana makasama cya. matagal pa naman ung aug. 30 eh.