August 3, 2009
thank you | 01:04 PM by jong

bukod sa Rest in Peace, gusto ko sanang magpasalamat sa yo Cory Aquino.

"wag naman magagalit ung iba dyan pero si president cory na ang pinakamabuting namuno sa ating bansa" -mayor alfredo lim

agree ako dun, not a single centavo ang ninakaw ni cory. di tulad ng iba dyan, grabe amuy na amoy mo ang pagiging gahaman sa pera, power at lahat na ata... grabe!

sana magkaroon na ng magagandang pagbabago. tutal tayo rin ang makikinabang dun. at ang mga future generations to come.



August 2, 2009
napakasaklap kuya eddie... | 08:15 PM by jong

dear kuya eddie,

sayang namennn... lamang na ang ust ng 17 points sa la salle, nasilat pa?!  at after 2 overtime, lumamang pa ng 9 points ang la salle! napakasaplap daba?! hai...

di bale kuya eddie, kung nagawa namang lumamang ng ust ng 17 points, siguradong kaya nilang ulitin un. sana lang magsilbing aral sa kanila ang nangyare. kasi naman kuya, nagpahinga sila eh?! ayan...

naalala ko nanaman ang kasabihang natutunan ko sa aking yumaong guro "i told you not  to do that, you do that now look at?!"

o un lang po kuya, wala lang akong mapaglabasan ng sama ng loob.

nagmamahal,

jong



July 30, 2009
dito na ang ME! | 05:01 PM by jong

homaygawd! matagal-tagal din akong nag-absent. kamusta na kayong lahat??? lalo na ang mga anak ko?

cha and aubrey di ba birthday nyo ng august? hala! matatapus na ang july, kelan ang get together natin??

supercutiemax, kamusta na ang mga negosyo?? (meron na ba?)

cleotie, san kana nagwo-work? wala lang baka nagresign ka na.. di na nakatiis hehe! joke.

si jacob, allan (thank you sa mga text messages at mga jokes na pinadadala mo halos everyday!)

bukas promise mas matagal akong magta-tabulas. nako... ang dami kong babasahing updates nyo!

mmmmwaaahh!



July 16, 2009
breaktime | 02:52 PM by jong

share ko lang mga pics ni chu:

nagpicture-picture sila as in buong class ah? naniniwala na talaga ako na super close na silang lahat ngayon para mabuo 'to. at dahil nga napakarami nila (50+), may kuha ang mga girls at hiwalay naman ang mga "boys". here goes:

 

puro girls muna

nakakatuwa naman 'tong mga batang ito! tignan nyo, ang saya! kinunan daw 'to during breaktime.

mga "boys"

natawa ako nung makita ko 'to sa camera ni chu, sorry pero natawa talaga ako as in 'laugh out loud to the max!'

eto naman ang chuchita ko with their class president.

nabasa nyo ba nakasulat sa yellow paper? "CRUSH KO SI JENIKKA" gagang chu 'to, nagiging tibash na ata! talagang sinasabe nya na crush nya ung classmate nyang girl at crush din daw sya ung classmate nya kaya M.U. na sila! hahahaha! sabi nga ng ate jamie nya: hoy puchu, umayos ka ah?!

pinakita nya sa akin ung picture ni jennika at na-realize ko medyo hawig nung h.s. bestfriend nya. sabi ko nga nami-miss nya lang si jessica. pero sabi nya hindi daw talagang crush nya si jenikka. gagang 'to.

pero nagjo-jowk lang sya, may mga nagpaparamdam na ngang boys sa kanya pero BAWAL syang magpaligaw at this point. mag-aral muna sya.

booo!



July 11, 2009
o, ano na ang nangyare?! | 10:00 AM by jong

-hanep ung debate ni dong, ang galeng talaga neto! lampaso ang kalaban! napanga-nga mga classmates nya! haha! i took some pictures kaya lang kinuha ni dong ung cam, ayaw ibigay sa akin! haha! alam nya kasi ipopost ko sa blog ko. haha!

-happy birthday jed! love you, son!

-hataw sa negosyo si chu! ang galeng naman... si jamie din nagdala ng brownies and butterscotch office, patok din daw! yes! (comment nung isang classmate nya: magbenta ka sa ibang sections, puro boys ang bibili sayo! ubus yan!) haha! may ganun?!

-natouch naman ako kasi dun sa kinita ni chu nabilhan nya ng gift ang kuya nya. aww... love nya talaga si kuya.

-happing-happy si kuya!sobrang na-appreciate nya mga gifts namin sa kanya..

-grabe si lovey-dovey ni dong, sobrang effort talaga! she's the sweetest! at hanep ung gift nya kay dong as in!

*****

ung wife ni bespren larry is in town, at nung thursday nakapag-usap kami. naihinga ko mga saloobin ko sa negosyo. it felt good. sobrang hectic schedule neto kasi 2 weeks lang sya. sana magkaroon kami ng chance maka-gimik.

*****

sayang konti lang oras ko today, busy-busyhan nanaman ang ME! till next time na lang ulit. babush!

 



July 6, 2009
raket ni chu | 01:24 PM by jong

inalok kami ng brother ko na magbenta ng brownies and butterscotch bars na bine-bake nila. eto ung butterscotch bars: next time nalang ung brownie bars:

in all fairness, masarap cya! very chewy, sweet but not too sweet!

tuwang-tuwa ako kay chu kasi ang sipag nyang mag-alok sa mga classmates nya. kanina, may dala syang 30pcs. hopefully lahat mabenta nya!

goodluck chu! smiley-wink.gif

 



July 4, 2009
hmmm.. | 11:04 AM by jong

move on. kalimutan na ang nangyare (sayang talaga!!! rawr!) magpofocus nalang ako sa mga positive na nangyayare ngayon sa buhay ko. 

*****

text ni dong(nasa mock debate cya kahapon): nay where are you? tapos na ako and sabi ng teacher ko ako daw ang best! haha! let's meet.

nakakatuwa namang makatanggap ng ganitong text, tanggal lahat ng sama ng loob ko!

ininvite din nya akong manuod ng debate nya on july 8, so magkikita kami ng lovey-dovey nya (pareho kaming manunuod) at first time mapapanuod ko sya in person. dati kasi sa tv lang or pag naka-video eh. i'm so excited!

*****

update sa college chorva ni chu:

masayang masaya ang chu sa kanyang college life! everyday madami syang kwento. meron na syang group of friends that she hangs out with (ayan sa picture below) at ung buong block daw nila super close na silang lahat. pag gabi nga nakakatuwa na laging may conference sila sa YM, pinapakita nya sakin mga pinag-usapan nila, tawanan sila ng tawanan. nakaktuwa lang..

at mukhang mali ang assesment nya sa mga classmates nyang boys. 15 in all, di naman daw lahat parang bading. (un ang sabi nya ah?!) funny.

eto ata ang isa sa pinakaclose nya sa class. i forgot to ask her name..

tas pag may chance silang magkita ng bestfriend/cousin nyang si cacay, nagha-hang out silang dalawa. (AB comm arts ang course ni cacay, freshman din) favorite nilang kainin, french fries at coke float sa mcdo! haha!

*****

talking about fries and coke float, twister fries and blue sprite float is back! kahapon, nagkita kami ni chu sa SM nung uwian nya kasi nandun na rin ako sa vicinity at lumafang kami! sarap! talaga netong combination na to! smiley-laughing.gif yum yum yum!

sarap!

 

 



July 2, 2009
kung | 10:52 PM by jong

dahil sa nangyare kanina, sobrang na-miss ko si bespren larry.

(*kapartner ko sa negosyo to dati. morethan ten years din kami nagkasama neto. at di basta kaibigan ang turing ko sa kanya, daig pa sa magkapatid ang samahan namin neto. pero dahil nga kailangan nyang sumunod na sa family nya sa australia, nandun na sya ngayon ung at ung kapatid nya ang naging kapalit nya sa partnership namin*) 

grabe talaga, hinayang na hinayang ako. isama mo pa stress na inabot ko! hai.

(first time ko lang gagwin 'to ung mag mention ng figures etc.. sorry ha? sana walang ma-offend or whatever) eto ang story: imagine, dapat at least 60T ang kikitain namin nina ramon, nauwe lang sa wala?! at kanina, lalo akong nanghinayang nang malaman ko sa uubra palang kumita kami ng at least 100t sa deal na 'to?! (sarap magmura)

hai...

*****

larry, bro, kung pwede nga lang balik ka na dito.. namimiss ko na talaga ung partnership natin sa negosyo. iba si ramon eh, di nya kayang gawin ung kaya mong gawin for me. iba eh. nakakafrustrate diskarte nya. 

kung nandito ka, i'm sure dahil sa kilala mo naman ang kapasidad ko at alam mo ang style ko at naniniwala ka sa kakayaan ko at ang pinakaimportante sa lahat, may tiwala ka sa akin, alam ko in my heart na gagawin mo ang lahat para maging reality kung anu man ung goal na sinet natin. ikaw ang bahala sakin.

iba si ramon, bro. i'm sorry kapatid mo sya pero wala, malayo sayo. sayang talaga. at sa mga susunod na mga deals namin ewan ko kung anong mangyayare, nakakawalang gana eh. imagine ung nawawala samin?? ilan beses na ba nangyare to? kita mo kahit si jef ganun din ang daing kay ramon, di naman mapanghusga un. hai...

so lesson nanaman to?! nakakasawa na yang mga lessons namin bro, ang dami ng nawawala. balik ka na lang dito, bro!

*****

sorry friends, kailangang ko lang magtanggal ng saloobin. sobrang frustrated na ako dito sa kasama ko. i-disable ko lang muna ang commenting sa entry na to ha?  i hope you all understand.



July 2, 2009
hai Panginoon ko! | 12:12 PM by jong

*buntong hininga to the max* ganun katindi.

nagkanda-ipit kami ngayon dahil dun sa item na dinala ko kina mrs. so. wala kasing balita kung ano na ang status eh. shempre nagwoworry na rin ung isang ahenteng may kakilala dun sa may-ari talaga nung item. ipit sya, ipit si mon, ipit ako. ang susi lang talaga dito ay ung nagdala sa buyer. di na nga ako nakatulog ng maayus kagabe kakaisip ko dyan. hai nakoooo....

sorry kung magulo tong entry na 'to. wala lang ako mapaglabasan ng mga iniisip ko na mas magulo pa sa entry na to! wah!!!



« | »